Anak ng Bulacan governor, 2 iba pa sugatan sa banggaan

SUGATAN ang anak na lalaki ni Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado matapos bumangga ang sinasakyang
Toyota Fortuner sa isa pang sasakyan sa MacArthur Highway sa Malolos City, Bulacan, ayon sa pulisya.

Nasa ligtas na kalagayan na si Jose Antonio “Jonathan” Sy-Alvarado, 33, UST Hospital kung saan siya dinala para lunasan dahil sa sugat sa mukha, ayon sa kanyang kapatid na babae na si Charo Sy-Alvarado-Mendoza.

Si Jose Antonio ang kandidato ng Liberal Party para sa first congressional district ng probinsiya.

Sugatan din ang driver ng Toyoto Furtuner ni Alvarado na si Bernardine Cantilan, at staff na si Jericho Lubaton, bagamat kapwa pinauwi na matapos gamutin sa  Bulacan Medical Center.

Nakaupo si likuran si Sy-Alvarado at papauwi na galing ng bayan ng Calumpit ganap na alas-1:40 ng umaga noong Linggo nang mag-swerve ang Toyota Vios at sumalpok sa Fortuner, ayon sa pulisya.

Si Sy-Alvarado ang pinakamatandang anak na lalaki ng governor.

Base sa police report, minamaneho ni PO3 Marlon Calderon, 34, ng Bulacan provincial police office at  residente ng Barangay Paltao, Pulilan, ang Toyota Vios.

Nasa kustodiya na ng kanyang mga kapwa pulis si Calderon. Inquirer

Read more...