Erwan ayaw pang mag-propose kay Anne, di pa handang magpakasal

erwan heusaff

 

KAAGAD na kinontra ni Anne Curtis ang chika ng sister niyang si Jasmine Curtis Smith na this year ang wedding niya kay  Erwan Heussaff.

“Hindi, hindi. Kasi I think it comes in the own right time. Ako kasi napaka-career-driven ko and once you decide kasi na handa ka nang magpakasal, dapat handa ka na ring i-give up kung ano ang mayroon sa career mo. Kasi mag-iiba ‘yan,” say ni Anne.

“Sa ngayon kasi, Erwan and I are very much happy. Pero we are very much career-driven so hindi namin minamadali ‘yung mga bagay na ‘yon,” dagdag pa niya.

Ang feeling namin, kaya lang naman nagsasalita nang ganoon si Anne ay dahil hindi niya napi-feel na magpo-propose sa kanya si Erwan this year. Actually, napag-iwanan na si Anne ng mga close friends niyang altar-bound na.

Si Solenn Heussaff ay engaged na kay Nico Bolzico. Ganoon din si Isabelle Daza who is now engaged to her French boyfriend and businessman Adrien Semblat.

 

 

Read more...