Anne laging pinaiiyak ng mga contestant sa I Love OPM: Nakaka-relate ako sa kanila!

anne curtis

 

KAKAIBANG feeling daw ang hatid ng talent search na I Love OPM ng ABS-CBN sa mga hosts nitong sina Anne Curtis at Eric Nicolas.

“Yung matawag lang na co-host ni Anne Curtis ay para na akong tumama sa lotto!” ang sey ni funnyman Eric na unang nagmarka sa Your Face Sounds Familiar.

Although hindi na bago kay gandang Anne ang pagho-host, ibang-iba raw ang hatid na saya at excitement sa kanya ng bagong show, “Yun lang marinig mong magsalita ng Tagalog ang mga dayuhan eh, masisiyahan ka na, eh yun pang bumirit at maramdaman mo yung mga kuwento ng OPM singing nila.

“Madalas nga akong naiiyak dahil relate na relate ako sa karamihan sa kanila,” sey ng magandang dyosa na a-yon sa “Himigration officers” (judges) na sina Lani Misalucha at Martin NIevera ay isa sa mga non-singer artists ng bansa na very dedicated and determined to learn and hone her singing.
“Kaya nga sa akin ibinigay ang hosting job na ito, di ba,” hirit ni Anne.

Aware naman ang production staff ng I Love OPM na na-feature na sa iba’t ibang shows ang karamihan sa mga kalahok ng show. May mga ilan pa nga raw dito na halos naging “regular” na ang paglabas sa Eat Bulaga.

“Nag-research po kami at talagang hinanap namin sila. Sa social media, sa referals, sa on-line, totoo naman pong stars na sila in their own right dahil marami na silang napapabilib sa passion nilang matutunan ang kultura ng Pinoy, particularly yung songs natin,” sey ng isang e-xecutive ng show.

Pero proud nilang ipagmamalaki na malaki ang kaibahan nito dahil sa kanila mismo naka-focus ang show, plus sila rin ang nag-ayos ng lahat ng kailangan ng kalahok mula sa visa, permit at pamasahe (from and to) ng mga ito, plus their prizes na malinaw sa BIR natin.

“Ang grand prize po natin ay aabot ng 2 million pesos, plus iimbitahan po namin na makasama ng grand winner ang buong pamilya niya to enjoy Philippines kahit sandali,” hirit pa ng aming kausap. Plano rin daw nilang bigyan ng recor-ding contract at iba pang exposures ang sa tingin nila’y may future sa singing, hosting o acting.

At dahil napakarami nga raw ng mga foreigners na mas gusto at mahal nila ang pagiging Pinoy kahit sa kanta lang, “Sure kaming magkakaroon ito ng mga susunod na season.” Ranging from Americans, Australians, Indian, Si-ngaporean, Korean at iba pang nationalities ang bahagi ng I Love OPM.

Read more...