Heart, Chiz sa forever: Dapat ipaglaban, hawakan at wag bitiwan!

heart evangelistA

ANG haba-haba ng hair ni Heart Evangelista. Kilig na kilig ang Kapuso actress sa mga naging pahayag ng asawang si Sen. Chiz Escudero tungkol sa “forever”.

Sa campaign sortie ng senador sa San Fernando City, La Union natanong ito ng mga estudyante tungkol sa kanyang buhay pag-ibig naniniwala ba raw siya sa fo-rever?

“Noong una hindi,” pag-amin ni Chiz. “Pero nu’ng nakilala ko si Heart, naniwala na ako sa forever,” na ikinakilig ng mga taga-San Fernando. Kung matatandaan, ma-tapos ma-annul sa simbahan noong 2014, ay ikinasal uli siya kay Heart.

Nu’ng tanungin din namin ang actress-TV host kung naniniwala ba siya sa forever, isang “big yes” ang sagot nito sabay sabing natagpuan na rin kasi niya ang kanyang forever na talagang ipinaglaban daw niya.

At tulad ni Heart, may advice rin si Chiz sa mga kabataan, ang “forever” daw ay hindi madali at kailangang pagtrabahuhan, alagaan at pagsumikapan.

“Ang forever, dapat ipaglaban, hawakan at huwag bitiwan. Dahil hindi ganu’n kadali iyon. Pipiglas yon, papalag at susubukan kumawala. Dapat nandun ka, sigurado ka sa sarili mo at kailanman huwag kang bibitiw,” say ng senador.

One year na nga mula nang ikasal sina Chiz at Heart, at alam naman ng marami na hindi naging madali ang love story ng dalawa.

Last year nga lang din nagkaayos ang senador at mga magulang ni Heart, at ngayon ay talaga namang all-out ang support ng mga ito sa kandidatura ni Chiz.

At sabi nga ni Heart ang blessing na ibinigay ng kanyang magulang sa pagmamahalan nila ni Chiz ang pinakamagandang regalo na natanggap niya mula sa mga ito.

Read more...