“DO you want our freedom taken away from us again?”
Ito ang tanong ng TV host-actress na si Kris Aquino sa gitna ng mga panawagan na dapat nang mag-move on ang mga Pilipino mula sa mga pangyayari noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
“I’ve been quiet about politics because I didn’t want to appear that as an Aquino we were making it about us… But by keeping quiet, parang (it’s as if) what happened was okay & move on na lang,” ani Aquino sa kanyang Instagram post.
“I researched martial law kasi nakakahiya na ang hugot ko (because it would be embarrassing if my insights would be) based on emotions, so I read up- NINAKAW sa ‘tin ang Freedom of Assembly, Freedom from unreasonable searches & seizures, Freedom from unlawful imprisonment, Freedom to have court proceedings, and FREEDOM OF SPEECH,” dagdag niya.
Sinabi ni Aquino na “nagising ang kanyang kamalayan” nang banggitin ni Madonna ang tungkol sa People Power Revolution sa concert nito noong Huwebes.
“Madonna’s shoutout to us celebrating People Power awakened me,” aniya.
Kris naglitanya vs Martial Law
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...