NAKULONG ng ilang oras ang aktor na si Ervic Vijandre makaraan umanong mambugbog sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Hindi sinabi sa ulat kung sinampahan ng kaso si Vijandre, talent ng GMA 7, ng biktimang si Genesis Aniag, 26.
Nagtamo si Aniag ng mga sugat at pasa sa katawan.
Ayon kay Aniag, kararating lamang niya sa Salem Complex nang salubungin at pagsusuntukin siya ni Vijandre.
Aniya, wala siyang alam na dahilan para saktan ng aktor.
Natigil lamang ang pambubugbog nang magdatingan ang mga sekyu.
Tinangka pa umanong tumakas ng suspek sakay ng kanyang kotse subalit napigilan ng mga guwardiya.
Dinala siya sa presinto ng mga rumespondeng pulis ang suspek, pero nakalabas din kahapon ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.