KC sa nagsabing anak niya ang bunso ni Mega: Wow lang teh, wow lang talaga!

kc concepcion

Sinagot ni KC Concepcion ang isang basher na nagsabing anak daw niya talaga sa pagkadalaga ang kapatid na si Miguel. Sa kanyang Instagram post, makikita ang picture nila ni Miguel na sweet na sweet.

Dito nag-comment ang isa niyang follower na, “Anak dw ni KC yan.” Sagot naman ng panganay ni Sharon Cuneta, “Wow lang teh. Wow lang talaga. Be careful what rumors you spread, it might happen to you…You’re not spared.”

Nauna nang pinabulaanan ni KC na anak niya ang adopted son nina Sharon at Kiko Pangilinan. Sa isang panayam noon sinabi pa ng TV host-actress na, “Kung hindi naman nagpa-abort, so nanganak nga. Tapos anak niya is ‘yung kapatid niya.

“Kung hindi si Miel, si Miguel naman. Parang ano ba naman kayo, nagtatrabaho lang ako dito. Pati rin naman siguro sila nagtatrabaho,” aniya pa.

Read more...