Caloy Loyzaga bibigyan ng parangal sa Kamara

ISANG resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes upang mabigyan ng congressional honor ang namayapang si Carlos ‘Caloy’ Loyzaga na itinuturing na alamat sa kasaysayan ng basketball sa bansa.

Inihain ni Pampanga Rep. Joseller ‘Yeng’ Guiao ang House Resolution 2646 upang kilalanin ang nagawa ni Loyzaga na tinaguriang ‘The Big Difference’ sa Philippine basketball.

Ang kanyang pamilya ang tatanggap sa parangal kapag ito ay naaprubahan ng Kamara. Siya ay namatay noong Enero 27.

“His death is a great loss not only to his family and friends, but also to the millions of basketball fans, young and old, who share his love and passion for the sport,” ani Guiao. “Loyzaga likewise led the country to gold medal finishes in the FIBA Asia Championships in 1960 and 1963, and four consecutive gold medals (1951, 1954, 1958 and 1962) in the Asian Games.”

Sinabi ni Guiao na si Loyzaga ay mayroong average na 16.4 puntos sa Basketball World Cup kaya siya ay nakapasok sa Mythical Five at dalawang beses naging miyembro ng Philippine Olympic team noong 1952 sa Helsinki, Finland at 1956 sa Melbourne, Australia.

“Loyzaga is an inspiration to the basketball community and the grateful Filipino nation, not only for his accomplishments, talents and high basketball IQ, but also because he remained humble and low key.”

Noong 1999, si Loyzaga ay nakapasok sa Philippine National Basketball Hall of Fame at binigyan ng Philippine Sportswriters Association Lifetime Achievement Award noong 2014.

Read more...