“MAY pangatlong panganay na!” kantiyaw ng mga kaibigan ni James Yap na tuwang-tuwa sa balitang limang buwang buntis na ang live-in partner nitong si Michela Cazzola.
Iba nga raw ang “gana” ng sikat na basketbolista at kumpare namin sa mundo ng basketball, lalo na sa koponan niyang Star Hotshots sa PBA. “Lagi siyang masaya, kuwento ng kuwento at masipag sa praktis,” pagkumpirma ng isang teammate ni James.
Sino ba naman ang hindi mae-excite, e, may dugong Italyano nga ang susunod na anak ng mahusay na basketball player. For the sake of fairness naman, guwapo at matatalino ang dalawang panganay ni James (sa kanyang unang girlfriend bago pa siya sumikat sa PBA na happily settled na sa USA at sa ex-wife niyang si Kris Aquino), and sure naman kaming patas ang pagbibigay ng atensyon dito ni James.
We just could not speak about the so-called “support” dahil sila na ang nag-uusap-usap diyan, di ba kapatid na Ervin! Ha-hahaha! Baka may mag-react pa, noh!