Susan Roces: Nakakabagets makatrabaho sina Bela at Coco!
NAKAKABAGETS at nakaka-refresh daw makasama sa trabaho ang mga magagaling na youngstars ng ABS-CBN, ayon sa Reyna Ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces.
Isa raw sa laging kachika ni Ms. Susan sa taping ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, ay si Bela Padilla.
Sey ng biyuda ni Da King Fernando Poe, Jr., enjoy siyang katrabaho ang mga bagets na artista sa nasabing serye, lalo na sina Coco at Bea dahil feeling bata siya kapag nakakasama niya ang mga ito.
Mayroon pa ngang short video na ipinost si Bela sa Instagram kung saan kasama niya si Ms. Susan na tila ineendorso nila kung gaano kasarap ang cake na kinakain nila sa set ng kanilang teleserye. Nilagyan pa ni Bela ng hashtag na #BFF ang naturang video.
“I am happy na nakakapag-interact ako sa kapwa artista ko. Nakakasama ko rin ang mga baguhan, mga bata, so I get updated,” kwento ni Ms. Susan sa isang panayam nang samahan niya ang anak na si Sen. Grace Poe at ka-tandem nito na si Sen. Chiz Escudero sa kampanya sa Iloilo kamakailan.
Halata ang closeness ni Ms. Susan at Bela dahil ang pamangkin pa ni Robin Padilla ang nagkakampanya para kay Grace sa pagkapangulo ng bansa. Sumama rin si Bela sa kampanya ni Grace sa Iloilo last week kung saan isa ang aktres sa mga nag-host sa nasabing political event.
Speaking of Coco Martin, pinarangalan ang multi-awarded actor at Primetime King bilang isa sa Makabata Stars of 2015 sa katatapos lamang na 18th Anak TV Seal Awards.
Ang FPJ’s Ang Probinsyano star din ang itinanghal na Top Male Anak TV Makabata Star ngayong taon matapos niyang makuha ang pinakamaraming boto sa lahat ng lalaking awardees sa award-giving body.
“Dahil po dito ay lalo kaming nagiging inspirado sa aming trabaho para lalong pagbutihin at maging inspirasyon sa ating mga kabataan at sa lahat po ng manonood,” pahayag ni Coco.
Samantala, sa pagpapatuloy ng kwento ng number one teleserye sa primetime, kasado na ang mga plano ni Roberto (Nonie Buencamino) sa pagdakip kay Trina (Anne Curtis) upang makapaghiganti sa amain nitong si Michael (Christopher de Leon).
Bilang bodyguard ng mayamang fashion designer, paano mapoprotektahan ni Cardo ang buhay ni Trina? Magkaroon na kaya sila ng pagkakasundo? Napapanood pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.