NAKAW-EKSENA si Kris Aquino sa Metro Manila Film Festival Parade of Stars na ginanap sa Luneta at nag-end sa MOA.
Nabigla ang lahat nang sumakay si Kris sa motorsiklo ng isang hagad.
She did this para umabot sa parade.
Na-late si Kris dahil ito palang si Vice Ganda ay biglang nagutom while on their way sa parade.
So, saan sila kumain? Would you believe, sa Jollibee? “Kakahiya, na late kami because @vicegandako wanted to eat & I said we’ll eat in the fast food wag sa car.
Kaya GO takbo & motor!” tweet ni Kris.
Marami nga actually ang humanga sa gesture ni Kris na walang kaere-ere nang sumakay sa motorcycle ng isang hagad.
Ang daming nagpalakpakan nang makita siya sa eksenang ito.
Marami pala ang nagalit kay Kris when she said na nadamay lang sa kanyang interview ang reaction niya kay James Yap who said na they’re friends.
“Sorry? sorry lang??? nadamay lng??#POWERTRIPPING ikaw na sis ng president! ilang movie mo na ba na binababoy mo sya palagi!” tili ng isang follower.
To which Kris reacted, “Again thanks for all the love from most of u.
May nanghahamon sa kin & tinawag akong baboy, kung magsalita ako sa ginawa ng idol mo sa anak namin siguro dun mo maiintindihan kung ano ang baboy.
Don’t try me, I’ve been more than good & respectful considering…”
May nag-suggest kay Kris na i-block na lang ang bashers niya, na ginawa naman niya pero tila wala ring nangyari, “I tried to block, maybe kamaganak ng demonyo kaya pumapasok pa rin the tweets? I wonder- hehehe…” sabi niya.
Sensing she might have offended some people when she said that, kaagad na nag-sorry si Kris.
“I hope u didn’t think I was being ‘bitchy’ earlier-the past is really behind me & I detest being asked about “balikan”- if u went thru the emotional trauma of a separation & annulment u’ll understand my feelings.
We both deserve peace away from each other & w/o talking about each other.
There r still too many wounds that haven’t healed so best to not expose them. Sorry that in promoting a movie damay sa tuksuhan.”
Ang payo naman ni Ogie Diaz na kumpare ni Kris ay ‘wag na lang pansinin ang bashers niya sa Twitter. Nagpasalamat naman si Kris sa show of concern ni Ogie, “Thanks Pare. Kasi kung magsalita ako, bitter. Kung maki ride-feeling naman. Kung sabihin no comment, affected. Haayy.”