Hacker ng IG account ni Maine nag-sorry matapos burahin ang mga litrato

MAINE MENDOZA

MAINE MENDOZA

HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay maaaring naibalik na kay Maine Mendoza ang na-hack niyang Instagram account.

Nag-sorry na kasi ang hacker ng kanyang account matapos ang ilang oras na pagkakatanggal ng mga litrato at mensaheng naka-post sa IG ni Yaya Dub na talagang ikinabwisit ng AlDub Nation.

Sa huling pagsilip namin sa IG account ni Maine kahapon nananatili pa ring 2.2 million ang kanyang followers at isa na lang ang pina-follow nito — ang kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Sa biography section naman ng IG account ni Maine ay may nakasulat na: “I will put your email so res(e)t the password, i know i’m wrong i’m sorry.”

Read more...