Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4 ang Antique kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-1:10 ng hapon. Ang sentro nito ay natunton 47 kilometro sa silangan ng Anini-y at may lalim itong 20 kilometro.
Sanhi ang pagyanig ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagresulta sa Intensity I ang lindol sa Anini-y.
Walang inaasahan napinsala at aftershock ang pagyanig na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending