Heart handa nang makipagbakbakan sa Eleksyon

heart evangelista

MATAPOS sumabak sa kampanya last Friday sa Cabanatuan, dumiretso sa Baguio City ang aktres na si Heart Evangelista para muling suportahan ang kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero sa pangangampanya nito bilang vice-presidentiable.

Sobrang sweet talaga ni Heart at hindi nakakalimutang ipahayag ang kanyang pagmamahal sa asawa maging sa personal o sa social media man. Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Heart ang isang picture na kuha bago ang campaign rally sa Cabanatuan kamakailan.

Sabi ng Kapuso actress, inspirasyon niya talaga ang kanyang asawa at nangako siyang susuportahan ito at hindi ito iiwan lalo na ngayong papalapit na ang eleksyon. “You are indeed a blessing in my life. I wake up each day inspired, driven and full of love as I step into this ‘scary’ time they call ‘election season’ I will continue to love, support and stand by your side,” ang caption ni Heart sa kanyang IG picture.

Ayon pa sa aktres, lilibot siya sa bansa para iparating sa ating mga kababayan na deserving ang kanyang mister bilang maging next VP. Sabi rin ni Heart, at the end of it all, ang importante ay nandiyan silang mag-asawa para isa’t isa.

“I will do my very best to show everyone how amazing you are as an individual and share your ‘big heart’ to everyone. Know this: at the end of the race WE WILL ALWAYS HAVE EACH OTHER. To my dream guy, my hero and my husband God bless you,” ang dagdag pang post ng aktres sa kanyang IG.

Pagkatapos daw ng eleksiyon, muling sasabak si Heart sa akting. May bago na siyang teleserye sa GMA 7 ngunit tumanggi siyang magbigay ng karagdagang detalye tungkol dito. Basta aniya, bagong challenge na naman ito sa kanyang pagiging aktres kaya dapat abangan ng mga manonood.

Read more...