KAKULANGAN ng pera o pagiging ganid ang nagtulak sa GMA 7 na punuin ng commercials ang presidential debate noong Linggo sa Cagayan de Oro City.
Hindi serbisyo publiko ang intensiyon ng higanteng TV network na isagawa ang presidential debate, kundi pera at maraming pera.
Maraming nagalit na manonood sa ginawa ng GMA 7 na halos commercials ang laman ng programa at sideline na lang ang tagisan ng mga kandidato sa pagbigay ng kanilang plataporma.
Pinaikli ang debate at naging boring o nakababagot ito dahil sa mga commercials.
The most glaring error of the network was in airing the political ads of some of the presidential candidates during the commercial breaks.
It was not only unethical, it was downright stupid because the commercials looked like endorsing the presidential candidates concerned.
Hindi ba kaya isinagawa ang debate to help the voters make an intelligent choice of the best candidate for Malacanang?
Sana maiwasan ng TV5, na magi-sponsor ng susunod na presidential debate ang mga kapalpakan ng GMA network.
Isa sa mga presidential candidates ay magpapamudmod ng P4.5 billion hanggang P5 billion sa araw ng eleksiyon, sa May 9, 2016, ayon sa aking nasagap na ulat.
Ang ulat na iyan ay very reliable dahil nanggaling mismo sa kampo ng tinutukoy na presidential candidate.
Pero nakasisiguro ako na hindi yan si Davao City Mayor Rody Duterte na kapos sa pondo.
Isinasakamay ng Diyos ni Duterte ang magiging resulta ng halalan dahil sa kakulangan ng campaign funds.
Bilang Davao City prosecutor, congressman at mayor, walang naging bahid ng graft and corruption ang pangalan ni Duterte.
Definitely, Duterte is not a saint.
Ang kanyang mga kasalanan ay pagiging babaero at pagsalvage ng mga pusakal na kriminal at drug dealers.
Mukhang mapapahiya ang malalaking survey companies na SWS at Pulse Asia sa resulta ng kanilang mga survey na nagpapakita na nangunguna si Vice President Jojo Binay sa survey.
Ang inyong lingkod ay nagtanong-tanong sa mga ordinaryong mamamayan at napag-alaman ko na mas maraming may gusto kay Duterte na maging Pangulo kesa sa kanyang mga karibal na sina Binay, dating Interior Secretary Mar Roxas, Sen. Grace Poe at Sen. Miriam Defensor Santiago.
Ang mga tinanong ko ay mga taong pumupunta sa aking tanggapan sa “Isumbong mo kay Tulfo” upang ilahad ang kanilang mga problema.
Karamihan sa mga taong tinanong ko ay si Duterte ang kanilang paborito.
Sa isang gusali na puro restaurants sa Makati, ang may-ari (ng lahat ng restoran) ay sumusuporta kay Grace Poe, pero ang mga waiters at waitresses na nakausap ko ay kay Duterte.
Karamihan kasi sa mga waiters at waitresses sa mga restaurants sa gusaling yun ay mga Bisayang Sugbuhanon.
Ang Sugbuhanon ay wika ng halos buong Mindanao at kalahati sa Visayas: Cebu, Bohol, Negros Oriental, Siquijor, Southern Leyte .
Marami sa mga naninirahan sa Metro Manila ay Sugbuhanon.
Marami rin na mga Tagalog, Ilocano, Kapampangan at Ilokano ang may gusto kay Duterte bilang Pangulo.
Marami kasing galit sa gobiyerno at sa administrasyon ni Pangulong Noynoy dahil sa kanyang kapalpakan.