Mas fit at mas maaliwalas ang aura ngayon ni Raymart Santiago, ang gaganap na tatay ni Bea Binene sa Hanggang Makita Kang Muli habang si Angelika dela Cruz naman ang magiging nanay.
Somehow ay nakaka-relate si Raymart sa role niya bilang si Larry, na isang architect na sinisisi ng asawa niya sa pagkakawala ng kanilang 2-year-old daughter (na itinago nga at ginawang bihag ng obsessed sa kanyang si Odessa, played by Ina Feleo).
“Bukod kasi sa father na ako talaga at naranasan ko yung parang inilalayo yung anak mo, parang naka-relate ako somehow du’n sa struggle ni Larry na i-win back ang wife niya at maturuan itong mag-move on,” sey ni Raymart.
Papapel ding kontrabida si Kim Rodriguez, na nagbida na rin sa mga nakaraang GMA soaps pero tinanggap nga ang challenge bilang isang villain this time. Kasama rin dito sina Marco Alcaraz, Ramon Christopher, Luz Valdez, Shyr Valdez at Rita Avila.
Magsisimula na ang Hanggang Makita Kang Muli ngayong March 7 after ng Wish I May.