'Terror leader' patay; air strike tuloy sa Lanao del Sur Bandera

‘Terror leader’ patay; air strike tuloy sa Lanao del Sur

John Roson |February 24,2016
share this

‘Terror leader’ patay; air strike tuloy sa Lanao del Sur

John Roson - February 24, 2016 - 06:32 PM

lanao del sur
Napaulat na napatay ang isang lider ng mga terorista sa Lanao del Sur habang patuloy na binobomba ng mga tropa ng pamahalaan ang kuta ng grupo sa bayan ng Butig kahapon (Miyerkules), ayon sa militar.

Kabilang si Omar Maute, isa sa mga lider ng “foreign-local terrorist organization” (FLTO), sa 15 hanggang 20 armadong napaulat na napatay, sabi ni Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.

“Diretso ang airstrike ng OV-10 bomber planes at mga MG-520 helicopters natin doon sa area. Kapag medyo lumambot na ‘yun, anytime soon papasukin na ng tropa,” sabi pa ni Tan.

Una dito, sinabi ng militar na sinalakay ng grupong pinamunuan ni Omar Maute at kapatid niyang si Abdullah ang isang Army detachment sa Butig noong Sabado, kaya nilunsad ang opensiba.

May kaugnayan umano ang grupo ng magkapatid na Maute, na tinatayang may 80 hanggang 100 kasapi, sa isang Ustadz Sanusi.

Si Sanusi, isang Indonesian na pinaniniwalaang conduit ng Southeast Asian terror network na Jemaah Islamiyah, ay napatay sa Marawi City noong Nobyembre 2012.

Bakwit dumami

Sa kasagsagan ng patuloy na pagbomba kahapon, nag-ulat ang mga awtoridad ng masa malaking bilang ng mga residenteng lumikas sa Butig.

Nag-ulat ang lokal na pamahalaan ng 7,800 evacuees, sabi ni Saripada Pacasum, assistant head ng Lanao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Pero ayon kay Pacasum, ang nakukumpirma pa lang ng PDRRMO ay ang 2,067 kataong lumikas patungong Marawi City at 657 pamilya na nakisilong sa Masiu.

Nadalhan na sila ng relief goods, aniya.

Biniberipika pa ang bilang ng mga lumikas patungong Lumbatan, Lumbayanague, at Poona Bayabao, ani Pacasum.

Una dito, bumuo si Gov. Mamintal Bombit Adiong Jr. ng crisis management committee para matugunan ang pangangailangan ng mga lumikas mula Butig, at nag-utos ng repacking ng relief goods sa provincial capitol complex.

APC di nasira

Samantala, inihayag ni Tan na ang armored personnel carrier (APC) na ibinibiyahe Lanao del Sur ay di nasira sa ambush sa bayan ng Tugaya kamakalawa (Martes) ng umaga.

“Okay naman po yung armored vehicle, walang damage. May isa nga lang na namatay na sundalo dun sa ambush,” aniya.

Sumiklab ang sagupaan sa Brgy. Pantara-Bato alas-10:45, nang paputukan ng mga mga armado ang convoy na nagdadala sa APC patungo sa isang tactical command post sa Lumbatan.

Ang Tugaya ay nasa kabilang bahagi ng Lake Lanao, at nakaharap sa Masiu at Butig.

Tumagal nang 45 minuto ang bakbakan, kung saan nagpadala ang militar ng dalawang MG-520 helicopter at isang platoon ng mga kawal na may dalawang armored vehicle para i-reinforce ang natambangang convoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending