Ayon kay Poe idedeklara niya ito sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures kapag natapos na ang halalan alinsunod sa polisiya ng Commission on Elections.
Sinabi ni Poe na isa sa nagpapahiram sa kanila ay ang San Miguel Corp., na pagmamay-ari ng business tycoon na si Danding Cojuangco, ang founder ng Nationalist Peoples Coalition na mayroong 250 miyembro sa buong bansa kasama ang dalawang senador, 40 kongresista at 14 gubernador.
“Iyung isang kompanya na hinihiraman namin o nagpapahiram sa amin ay San Miguel Corporation,” ani Poe na nangampanya sa Baguio City kahapon. “Maraming iba’t-ibang kompanya, ‘yung iba na nirerentahan namin sa HeliTrend (Corp.). Iyon talaga ‘yung kanilang negosyo at hindi lang kami humihiram doon. Maraming humihiram doon.”
Sinabi ni Poe na hindi lamang sila ang pulitiko na humihiram ng sasakyang panghimpapawid sa SMC.
“Sa ngayon halo iyan, may mga nagpapahiram sa amin. Mayroon naman iba na nirerentahan namin. Wala naman kaming itinatago ukol dito. Totoo naman na may nagpapahiram sa lahat ng kandidato,” dagdag pa ng senadora.
Nauna rito ay hinamon ng kampo ni Mar Roxas ang kanyang mga kalaban na pangalanan kung sino ang nagpapahiram ng sasakyan sa kanila. Si Roxas ay rumerenta umano ng eruplano at helicopter sa negosyanteng si Eric Gutierrez.
Eruplano at chopper na ginagamit ni Poe galing kay Danding
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...