HINDI pa break sina Rayver Cruz at Cristine Reyes tulad nang napabalita.
Kung break kasi sila ay bakit pa magpo-post ng Instagram photo si Rayver ni Cristine with this caption: “My one and only! Perfect girl!”
Meron pa siyang another sweet message na ipinost niya sa kanyang Twitter account which said, “Cristine reyes I love you so much :)!”
‘Yan ba ang hiwalay?
Hindi alam ng kampo ni Rayver kung saan nanggaling ang balitang hiwalay na sila ni Cristine.
Takang-taka sila kung paano ito kumalat gayong wala naming matinding pinag-awayan ang couple.
As it is, parang may isang kampo na gustong magkahiwalay ang dalawa.
Parang may taong matutuwa kapag nag-break na ang dalawa.
But it seems that the two are going strong as boyfriend and girlfriend.
Parang walang makahahadlang sa kanilang pagmamahalan kaya sorry na lang sa mga nang-iintriga dahil mukhang hindi pa mangyayari ang wish ninyo.