Record sa PhilHealth di updated

AKO po si Rene Castillo ng Culasi, Antique. Na-nganak po ang asawa ko noong nakaraang buwan lamang. Nung magrequest po ako sa opisina namin ng MDR ko at CF1, lumabas po na single pa lang po ako dun. Taong 2013 nung kami ay ikasal. Hindi ko pa pala na-update ang PhilHealth ko from single to married. Kaya’t hindi ako nakakuha ng benepisyo sa Philhealth Paano po kaya ‘yun? Ma-rereimburse ko pa po ba ang nagastos ko sa ospital? Ano ang dapat kong gawin? Salamat po!

Rene Castillo
Culasi, Antique

REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Para po sa pag-a-update ng inyong records from single to married status, maaari po kayong makipag-ugnayan sa alinmang PhilHealth office, mag-fill up lamang po ng PhilHealth Member Registration Form (PMRF) at i-attach ang kopya ng inyong marriage certificate. Nais po naming ipabatid na sa kasalukuyan ang mga cases na pinahihintulutang i-direct file ay ang mga cases tulad ng confinement abroad, confinement on a weekend or holiday para sa mga employed members na hindi makapagsecure ng required documents, claims para sa peritoneal dialysis at animal bite cases, emergency cases in non-accredited health care institutions at ilan pang circumstances batay na rin sa pagsusuri ng korporasyon.

Kung ang inyo pong naging case ay hindi kabilang sa mga nabanggit na kundisyon, maaari pong paki-siguro ang mga sumusunod na requirements at isumite sa PhilHealth office (ito po ay subject for evaluation and approval ng korporas-yon):

Updated Member Data Record (MDR)
Claim Forms 1 and 2 (completely and properly filled-out)
Certificate of contribution / receipt of premium contribution payment (at least latest 6 months)
Appeal Letter (pagpapaliwanag kung bakit hindi po naibawas ang inyong PhilHealth benefits)
Ang mga nabanggit na requirements ay kinakailangang mai-submit sa PhilHealth office ng hindi lalagpas sa 60 days after the date of discharge.

Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph

Salamat po.

Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Read more...