Xian pangarap ding maging superhero, paghahandaan ang ‘Captain Barbell’

XIAN LIM

XIAN LIM

ISA sa mga dream role ng Kapamilya hunk actor na si Xian Lim ang maging superhero. Lahat naman daw yata ng artista ay nangangarap gumanap ng superhero sa TV o sa pelikula.

“Isang napakalaking opo. Isa po ‘yan sa mga pangarap ko, na maging superhero. Pangarap ko pong maging isang superhero din. I’m sure lahat ng artista ay pangarap po maging isang superhero para sa mga kabataan, to be a role model,” tugon ng binata nang tanungin sa isang panayam kung anu-ano pang role ang nais niyang gampanan in the future.

“Kahit sino pong superhero, kahit sino basta yung may super powers at nakikipaglaban para sa kapayapaan at para sa bayan,” ani Xian.

Kung matatandaan, may mga balita noon na posibleng si Xian ang magbida sa remake ng “Captain Barbell” na ginampanan noon nina Edu Manzano at Bong Revilla (sa pelikula) at ni Richard Gutierrez (sa TV).

Sey ni Xian, paghahandaan talaga niya ang “Capain Barbell” kung ibibigay ito sa kanya. In fairness, mukhang bagay naman sa rumored boyfriend ni Kim Chiu ang gumanap na bagong Captain Barbell.

Read more...