5-anyos na batang lalaki patay sa exorcism sa Camarines Sur | Bandera

5-anyos na batang lalaki patay sa exorcism sa Camarines Sur

- February 19, 2016 - 03:26 PM

camarines INARESTO ang lolo, tiyuhin at tiyahin ng 5-anyos na batang lalaki na pinaniniwalaang namatay sa exorcism noong Valentine’s Day sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur , kamakalawa, matapos namang silang ituro ng isang testigo, ayon sa pulisya kahapon. Ayon sa ulat, namatay ang biktima na si Jack Gian Banday dahil sa internal bleeding, matapos naman siyang gulpihin ng kanyang lolo, tiyuhin at tiyahin sa isang kapilya sa Barangay Dalupaon sa Pasacao noong Pebrero 14.

Sinabi ng 12-anyos na testigong batang lalaki sa pulisya na nagkatay muna ng puting manok ang mga suspek, kabilang na ang lolo ng biktima na si Arnold Arogo, 56; tiyuhin na si Reynaldo Arogo, 27; at tiyahin na si Esperanza Arogo, 17 at ikinalat ang dugo sa palibot ng kapilya.

Nagdesisyon naman si Arogo na dalhin si Banday sa harap ng altar na naglalaro noon sa loob ng kapilya. Hinawakan ng mga suspek ang mga kamay at mga paa ng bata, sinuntok at sinakal, ayon kay Chief Insp. Alejandro Monge II, Pasacao acting police chief. Idinagdag ni Monge na ayon sa pahayag ng testigo, narinig niya ang mga suspek na nag-uusap na hindi nasiyahan ang mga masasamang espiritu sa inialay na manok at pumasok umano ang mga ito sa katawan ni Banday.

Sinabi pa ni Monge na dinala ng mga suspek ang biktima sa loob ng kapilya para sa isang ritwal. Pawang mga parabulong (albularyo) ang mga suspek. Ani Monge, isang linggo pa lamang na nakatira sa barangay ang mga suspek at nanggagamot sa mga residente nang mangyari ang insidente. Pawang nakatira ang tatlong suspek sa Legazpi City, Albay, ayon pa kay Monge. Sinabi pa ni Monge na inaresto ang tatlo ng mga miyembro ng Pasacao police.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending