MAGANDANG araw po Aksyon Line. May gusto lang po sana akong itanong tungkol sa Employees Compensation Commission o ang ECC. Sumulat po ako sa inyo dahil pinapatanong ng tiyuhin ko na kapatid ng mother ko kung pwedeng mag-claim ng benefits sa ECC ang tiyuhin ko na nagkasakit dahil sa trabaho. Siya ay nagtatrabaho sa pagawan ng kemikal sa Valenzuela City. Ang sabi po ng doktor ang kanyang sakit ay nakuha raw dahil sa mga kemikal na kanyang nalalanghap o ang paglantad niya sa kemikal.
Ask ko lang po kung paano ba ang mag-claim ng benefits sa ECC? Nakapag-claim na po siya ng benefits sa SSS. Sana ay agad na masagot ang aking katanungan. Malaking tulong po ang pera na makukuha sa ECC pambili ng mga gamot ng aking tiyuhin. Salamat po.
Perla Manaois Karuhatan, Valenzuela REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Manaois, ang mga manggagawa ay maaaring mag claim lamang kung ito ay konektado sa trabaho gaya ng pagkakasakit, pinsala o kamatayan.
Ang sinumang miyembro ng SSS kung sa pribadong sektor at GSIS naman sa pampublkong sektor o mga nagtatrabaho sa gobyerno. Maaari rin na mag file ng claim ang kinatawan o sinumang miyembro ng pa-milya nito.
Ang EC claims ay maaaring i-file ng claimant batay sa kanyang option sa Regional Office/Branch ng GSIS o SSS na malapit sa pinagtatrabahuan o residente at ilakip ang mga kinakailangang dokumento.
Ang claim ay dapat i file sa loob ng tatlong tain simula:
a. Sa kaso ng pagkakasakit-simula sa araw na ang manggagawa ay nawalan ng kakayahan na kumita b. Sa kaso ng pinsala- simula sa araw na ito ay na-sustain c.Sa kaso ng kamatayan- simula sa araw ng kamatayan ng manggagawang miyembro
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
