SENSITIBO ang ating subject sa araw na ito na may kinalaman sa relasyon ng tatlong mediamen.
Kumakalat na ngayon ang kwento tungkol sa ginawang kakaibang adventure ng tatlong Adan kung saan ay sinubukan nilang mag threesome.
Nangyari ang ating kwento sa bahay ng isa sa ating bida nang sila’y mangggaling sa isang gimikan ilang buwan na ang nagdaan.
Niyaya ng magkaibigang mediamen ang isa nilang kapwa mediaman na matagal na pala nilang kapwa crush.
Makaraan ang mahaba-habang inuman ang kwentuhan ay nauwi sa usapan tungkol sa sexuality.
Umamin ang magkaibigan na kapwa lalaki ang kanilang preference pagdating sa pakikipag-relasyon.
Nagulat ang dalawa dahil sumagot ang kanilang target na open din siya sa ganung idea.
At nangyari na nga ang nangyari at pare-pareho naman daw na nag-enjoy ang tatlo.
Hindi matiyak ng ating Cricket kung ilang beses nangyari ang “ugnayan” ng tatlong Adan.
Dahil na rin sa kadaldalan ng isa sa kanila kaya sumingaw ang kanilang itinatagong sikreto.
Ipinagyabang kasi ng isa sa ating mga bida ang kanilang kakaibang sexcapade at nainggit naman ang kanyang pinag-kwentuhan na galing sa kabilang network kaya pumutok na ang eskandalo.
Dahil sa labis na kahihiyan ay nag-iba na ng career yung dalawa sa tatlong subjects ng ating kwento.
Ang pinakahuling impormasyon ng ating Cricket ay lilipat na rin daw ng trabaho ang natira nating bida dahil sa nagiging tampulan na siya ng panunukso.
Masyadong naging reckless at adventurous ang ating mga bida at hindi nila inisip na pwede itong ikasira ng kanilang mga career lalo’t pwede silang pagpistahan ng mga netizens.
Hindi na kailangan ng mga clues dahil more or less ay kakilala nyo na sila lalo na para sa dumalo noong araw sa J.S prom ng mga high school.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.