Poe-Chiz sinabotahe sa Capiz | Bandera

Poe-Chiz sinabotahe sa Capiz

Leifbilly Begas - , February 17, 2016 - 06:33 PM

18chiz-wiz1 BINATIKOS ni Sen. Grace Poe ang “Daang Matuwid” ng administrasyon matapos silang pagbawalan ng kanyang ka-tandem na si Sen. Francis “Chiz” Escudero na magsagawa ng forum sa isang paaralan sa Roxas, Capiz. “Ang Dang Matuwid, hindi dapat pinapayagan ang ganyang bagay,” ani Poe nang tanungin kung totoo ang ulat na sinabotahe sila ng mga kaalyado ni Mar Roxas sa Liberal Party (LP) sa Roxas City. Idinagdag ni Poe na kapag siya ang nanalo, hindi niya papayagan ang ganoong klase ng politika. Sinabi pa ni Poe na ginawa na sa kanya ito dati kung saan hindi pinapasok ang mga miyembro ng media sa isang paaralan. “Ayaw ko nang banggitin ‘yung school…” dagdag ni Poe. Balwarte ni Roxas ang Capiz. Sinabi naman ni Roxas na wala siyang utos kaninuman na pagbawalan ang mga kandidato sa kanilang lugar. “Palagay ko walang katotohanan iyon….. Hindi ko pinagbawalan at bukas ang Capiz para sa kahit sinong kandidato na maghayag ng plataporma,” ani Roxas na kahapon ay nangampanya sa Quezon City. Kampante naman si Roxas na mananalo sa Quezon City na kontrolado ng kanyang mga kapartido sa Liberal Party. “Well, malaki ang aking pag-asa na sa Quezon City at sa Kamaynilaan, sa dulo nitong lahat makikita ng ating mga kababayan na malayo na ang narating natin sa Daang Matuwid. Hindi natin sinasabi na perpekto na ang lahat pero kung titignan natin sa kabuuan ay mas marami ang naidagdag na kaginhawaan, kaunlaran,” ani Roxas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending