Radio reporter tinumba | Bandera

Radio reporter tinumba

John Roson - February 17, 2016 - 04:25 PM

zambo del sur Nasawi ang isang radio reporter matapos pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa kanyang bahay sa Pitogo, Zamboanga del Sur, kagabi, ayon sa pulisya.

Ikinasawi ni Elvis Ordaniza, reporter ng DxWO Power 99 FM na nakabase sa Pagadian City, ang dalawang tama ng bala sa dibdib, sabi ni Chief Insp. Rogelio Alabata, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula regional police.

Pinagbabaril si Ordaniza sa kanyang bahay sa Bagong Silang, Brgy. Poblacion, dakong alas-7:10.

Nagluluto ng hapunan at namumulot ng bao ng niyog na gagamiting panggatong si Ordaniza nang pagbabarilin, ani Alabata.

Nagtungo aniya ang mga miyembro ng lokal na pulisya sa pinangyarihan nang malaman ang insidente, at dinala ang 49-anyos na reporter sa Rural Health Center.

Nilipat pa ng mga pulis si Ordaniza sa isang pagamutan sa Pagadian City para sa karagdagang lunas, pero idineklara siyang patay ng doktor, ani Alabata.

Natagpuan naman ng mga imbestigador sa crime scene ang dalawang basyo ng kalibre-.45 pistola na ginamit sa pagpatay kay Ordaniza.

Inulat din ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagpaslang kay Ordaniza sa Pitogo Martes ng gabi.

“According to colleagues, Ordaniza has been reporting about the problem of illegal drugs and illegal gambling in the town,” sabi ng NUJP sa ulat nito.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin, na agad tumakas matapos ang insidente, sabi naman ni Alabata. (John Roson)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending