HI Ma’am,
Good day po sa lahat. Ako po si Marissa Chua, anak po ni Mr. Hermogenes Tayson Boyles. Kami po ay nakikiusap na kung maari po ay matulungan n’yo ang father ko. Sana, through your good office, ay malaman kung may matatanggap ang father ko na SSS pension adjustment. At present po ay existing pensioner na siya sa SSS na nakakatanggap ng monthly pension.
Si Tatay po ay 81 years old na sa ngayon at madalas na rin pong nadadala sa hospital.
Kung sakali pong matulungan n’yo kami na makakuha si Tatay ng SSS adjustment thru your kind assistance, magiging big help po ‘yun sa kanyang pa-check up at mga maintenance na gamot.
Naka-attach po rito ung scanned copies ng authorization ng tatay ko para makapag-request at makapagverify ako ng SSS adjustment niya at kasama na rin po dito ‘yung valid IDs niya na mula sa SSS, PhilHealth and BPI ATM card. Kung mapapansin n’yo po na di na gaanung kapareha ng handwritten signature nya ung sa authorization it’s because hirap na po siya na mag-sign ng same signature. Masasakit na po mga kamay niya at hirap na din po siya maglakad. Nilakip ko na rin po ang mga valid IDs ko for your reference po.
Sana po ay mabigyan n’yo kami ng assistance on this matter since badly in need po kami ng financial support para sa mga medicine niya. Ipagdarasal ko po na thru your kind heart na matulungan kaming makapag-verify sa SSS ng adjustment para sa kanya.
Pwede po kayong mag-send ng reply dito sa personal email ko or thru my mobile numbers: (sun) 0933-6295003 or (touch mobile) 0935-9879844. Maraming Salamat po. GOD Bless All!!
Marissa Boyles ChuaAnak REPLY: Para sa iyong katanungan, Ms. Marissa Boyles Chua, tungkol sa SSS adjustment ng iyong ama na si G. Hermogenes Tayson Boyles: Kailangang ipa-manual verification n’yo ang mga taon na 1960 hanggang July 1994.
Sa pamamagitan nito ay malalaman kung kwalipikado sa adjustment ang iyong ama.
Magtungo sa pinakamalapit na sangay ng SSS sa inyong lugar para sa manual verification.
Maaaring samahan ang iyong ama sa SSS office or maaari naman ikaw na lamang ang maglakad at kinakailangan lamang ng autorization ng iyong ama.
Sana ay nasagot naman ang iyong katanungan Ms. Lilibeth Suralvo Senior Office, Media Affairs Department Social Security System May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com. Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
