HI Manang Pher.
Ako po si Fe. May BF po ako, 5 months na po kami. Eh, nalaman ko po na may iba po siya pero hindi ko po siya maiwan-iwan kasi po mahal na mahal ko po siya. Ano po ba ang dapat kong gawin, sana po mapayuhan ninyo ako. Thank you po ang more power. Fe Thank you sa pagbabasa at pagsubaybay sa column na ito, Fe. Talaga namang nakakataba ng puso ang reception n’yo, mga ka-tropa…
Fe, simple lang, kung merong iba, sino ang nauna? Ikaw ba o yung isa? Kung ikaw ang pangalawa, sana huwag mong patagalin at lumayo ka na bago ka pa masaktan nang lubos.
I suggest kausapin mo siya at i-confirm kung mahal ka pa – papipiliin mo na… In any case, at kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi ako papayag na may kahati. Ikaw ba?
Sana huwag kang mag-settle sa ganung set-up. Mahirap at masakit yan my dear. Sabi nga, cut your loses early.
Kung papatagalin mo pa, hindi kaya magsisi ka lang sa bandang huli? Kung mahal mo s’ya, dapat mas mahal mo yung sarili mo.
Baka naman may dumating na mas hihigit pa, yung mamahalin ka ng buong buo at magiging tapat sa’yo. Itanong mo din sa inyong dalawa, saan ba papunta yan? Mauuwi ba sa kasalan o kasalanan? Your choice. Sagot ng tropa:
Napaka ordinaryo ng problema mo Fe. Matagal na nating naririnig ang ganitong problema, pero ang nakakapagtaka ay kung bakit marami pa rin ang napapasok sa ganyang uri ng love problem. Minsan, tama talagang sabihin na hindi puwedeng puro puso lang ang pairalin. Kaya dapat gamitan na rin ito ng utak. Mas makakabuti kung utak na muna ang pairalin at isantabi na muna ang takbo ng puso. Maging rational ka sa ganyang uri ng relasyon. Kaya mo bang tiisin na may ka-share ka sa pag-ibig ng lalaking minamahal mo, o di kaya naman ay kaya mo bang tawagin na “number two ka lang?
– Pat via Facebook Iwanan mo at hanap ka na lang ng iba.Kasi kung talagang mahal ka nyan ay di yan matutukso sa iba sa kahit ano pa mang kadahilanan. Chai Leonardo via Facebook
Kung mahal mo ay ipaglaban mo. Kesehoda may una pa syang GF. May kulang at sa yo nya nakikita. Jun Maneze via Facebook May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanu-ngin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang@gmail.com. or mag text sa 09999858606
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
