Pacquiao nawalan ng halos 2 milyon follower sa Twitter dahil sa anti-gay statement

MATINDI talaga ang galit ng netizens kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao dahil sa kontrobersyal na pahayag niya laban sa gay marriage.

Halos dalawang milyong followers niya sa Twitter ang nag-unfollow kay Manny, kandidato sa pagkasenador ngayong darating na halalan.

Binatikos si Pacquiao dahil sa kanyang pahayag na masahol pa sa hayop ang mga bakla at tomboy.

Mula sa 1,890,000 na followers sa twitter noong 2015, ngayon ay nasa mahigit 8,000 na lamang ang kaniyang twitter followers.

Ang huling post sa twitter ni Pacquiao ay ang video ng kaniyang paghingi ng paumanhin  sa mga nasaktakan sa kaniyang binitiwang pahayag.

Nananatili namang nasa 2.9 million ang followers ni Pacquiao sa kaniyang Instagram account at mahigit 10 milyon na likes meron siya sa kanyang FB page.

Sa record ng Forbes, umabot sa 1,890,000 ang followers ni Pacquiao sa twitter bago ang laban niya kay Floyd Mayweather Jr.

 

Read more...