‘Sandata’ ni Michael Pangilinan sa sex video hinusgahan ng madlang pipol

michael pangilinan

Sa mga naglalabasang sex video na pinagpistahan ng ating mga kababayan ay bukod-tanging si Michael Pangilinan lang ang umamin na siya ang lalaki sa video. Ang lahat ay umiiwas, ayaw mapag-usapan ang kanilang ginawa, si Michael lang ang naging tapat sa kanyang sarili at sa publiko na siya nga ang lalaking nagpapaligaya sa kanyang sarili habang ka-chat ang isang babae nang malayuan.

Hindi tama, argumento ng mas nakararami, dahil dapat ay ginagawa ‘yun ng isang lalaki sa isang kubling lugar na walang camera. Hindi dapat ‘yun ibinubuyangyang sa publiko. Kung si Michael ang tatanungin ay ‘yun din ang gusto niya, pero hindi niya hawak ang senaryo, may kapareha siya nang magpaligaya sa kanyang sarili.

Ang babae ang naglabas, hindi siya, isang bugso ng damdamin at libido na kailanman ay hinding-hindi na mauulit pa. Disisiyete anyos si Michael nang mangyari ‘yun. Isang panahong madilim ang kanyang mundo, walang direksiyon, dala ng kanyang kabataan.

Nandiyan na ‘yan, nasilip na ng mga kababayan natin ang kanyang kahubdan, sinintensiyahan na ang kanyang sandata na dakila raw naman. Isang leksiyon ang natutuhan ni Michael Pangilinan sa paglabas ng sex video.

At ‘yun ang pinakamahalaga. Ngayon ay alam na niya na hindi lahat ng nakakasalo sa pagbiyahe sa langit-langitan ng kaligayahang personal ay puwedeng pagkatiwalaan.

Napakahalaga pa rin ng disiplina, ng pag-iingat, sino nga ba ang mag-aakala na ang lalaking ‘yun na nagbabayambang sa sex video ay kakasihan pala ng kapalaran at makikilalang magaling na singer?

Read more...