Andrew E nagpapatayo ng mansion sa Bora; mas pinili ang Dolce Amore kesa sa eleksyon

andrew e

Nabungaran namin sa elevator ang mag-asawang Andrew E and Mylene sa ABS-CBN kamakailan. Matagal din naming hindi nakita ang ma-PR na misis at manager din mismo ni Andrew. Kaya umaatikabong tsikahan ang nangyari between us.

Nagpapatayo na pala sina Mylene at Andrew ng sarili nilang bahay and resort sa Boracay ngayon. Dati kasi ang mga magulang lang ni Mylene ang may resort sa Bora. And then, nagtayo ng restaurant ang mag-asawa malapit sa Station 1.

And now, mansion na ang pinapatayo nila. Tinanong din namin si Mylene kung hindi ba siya nagselos kay Ana Roces na unang niligawan ni Andrew nu’ng mag-guest ang mister niya sa show ni Vice Ganda.

Napaka-sport at napakalaki ng tiwala ni Mylene sa kanyang mister na mahal na mahal siya nito kaya ‘di siya affected sa muling pagkikita nina Andrew at Ana.

Naitsika rin ni Mylene na walang panghihinayang na tinanggap nila ang proyektong Dolce Amore na nagsimula na nu’ng Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN kahit tatamaan ang taping schedules ng serye sa kasagsagan ng kampanya para sa eleksyon sa Mayo.

“Sabi ko, ‘O, ganito, Tita, pakisabi dadaaan ang teleserye na ‘yan, ang Dolce Amore, dadaanan niyan ang eleksyon. E, ako ang number one sa eleksyon ‘di ba? So, paano ‘yan TIta,” kwento ni Andrew na ang tinatawag niyang Tita ay ang talent coordinator ng show na si Tang Adriano.

Kaya malinaw na malinaw na inalok si Andrew ng talent fee na hindi niya kayang tanggihan. Bukod sa TF, malaking bagay din for Andrew ang role niya sa serye dahil siya raw ang may hawak ng “susi” sa big twist ng kuwento ng mga karakter nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Pero nagbiro pa si Andrew na isa rin sa dahilan kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay lalabas siya sa isang teleserye ay dahil kapareha niya bilang misis ang seksing si Sunshine Cruz, “At ‘yun ang nakapagpa-oo sa akin bukod sa talent fee. Ha-hahaha!”

Read more...