‘Ikaw’ ni Yeng Most Viewed OPM Video Of All-Time

yeng constantino

SOBRANG nakaka-LSS (last song syndrome) pa rin hanggang ngayon ang awiting “Ikaw” ni Yeng Constantino. Bilang patunay na marami pa rin ang nakikinig sa nasabing kanta, umabot na sa 38,093,773 million ang views nito sa YouTube kaya ito na ang most viewed OPM video of all-time.

Akala nga namin ay ang mga awitin nina Abra, Ebe Dencel, Jireh Lim, at iba pang singers na alternative ang genre ang most viewed dahil iyon ang uso ngayon. Sinulat namin ito dahil sa nakaraang Sunday episode ng I Love OPM ay napahanga kami ng Korean Pop group sa version nila ng “Ikaw” ni Yeng dahil binigyan nila ito ng bagong areglo.

Kaya sa taping daw ng I Love OPM ay umani ng malakas na palakpak at tilian ang Korean group. “Ang lakas nu’ng grupo ng mga Koren na nag-audition, grabe ang hiyawan nu’ng taping. Kita mo naman para silang nagko-concert talaga at ang ganda ng version nila ng Ikaw ni Yeng,” sabi ng aming source sa ABS-CBN.

Maraming napanalunan ang “Ikaw” tulad ng Wish 107.5 Music Awards 2015, Best Wishclusive Performance by a Female Artist; Alta Media Icon Awards 2015, Best Music Video: Ikaw; 28th Awit Awards 2015, Song of the Year: Ikaw at 2015 PMPC Star Awards for Music, Song of the Year.

Samantala, nu’ng unang in-upload ni Yeng sa YouTube ang nasabing awitin na siya mismo ang sumulat, naglapat ng tunog at kumanta noong Agosto 23, 2014 ay naging talk of the town na ito agad kaya naman maraming nagkainteres na panoorin ito.

Kuwento ni Yeng, “I wrote the song Ikaw for Yan (Victor’s pet name).” At ito na rin ang naging wedding song nila noong ikinasal sila noong Pebrero 14, 2014.” Pero bago pa ikinasal ang dalawa, marami ng couple ang gumamit nito sa kanilang wedding, isa na ang kaibigan naming isang buwan lang ang pagitan sa kasal nila nina Yeng at Yan.

Kaya naman nagpapasalamat ang singer/songwriter sa lahat ng tumangkilik ng awitin nila ni Yan.
At dahil 10 taon na si Yeng sa music industry simula nu’ng manalo siya sa Pinoy Dream Academy ay igagawa siya ng Star Music anniversary album at lahat ng awiting ni Yeng na sumikat sa loob ng 10 taon ay magkakaroon ng musical play sa PETA simula Setyembre, 2016.

Yes bossing Ervin, mala-“Rak Of Aegis” ito na ilang beses ding ipinalabas sa PETA. As of now hindi pa namin alam ang titulo ng musical play.

Read more...