Dalawang binatilyo ang nasawi matapos magbigti sa Batangas at Cavite kamakalawa (Lunes), ayon sa pulisya.
Natagpuan ng kanyang ina ang 13-anyos na si “Alex” (di tunay na pangalan) na nakabitin sa loob ng kanilang bahay sa Batangas City dakong alas-9 ng umaga, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.
Isinugod pa siya sa ospital ngunit di na umabot nang buhay.
Kawad ng plantsa ang ginamit ng binatilyo sa pagbibigti matapos umanong mapagalitan ng magulang, ayon sa pulisya.
Dakong alas-3:30 ng hapon, natagpuan namang patay at nakabitin din ang 15-anyos na si “Jake” sa kulungan ng mga manok ng kanilang kapitbahay sa Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite.
May lubid pang nakapulupot sa leeg ng binatilyo nang madiskubre siya ng tiyuhin, ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
