Jadine magdyowa na pero ayaw pang umamin

By Reggee Bonoan February 17,2016
share this

Jadine magdyowa na pero ayaw pang umamin

By Reggee Bonoan February 17,2016
share this

james reid

Soldout na ang tickets sa concert nina James Reid at Nadine Lustre na gaganapin sa Sabado, Peb. 20 sa Smart Araneta Coliseum. Umabot na rin sa more than 9 million ang revenue ng show sa ilang araw palang na paglalabas nito ng tickets.

At dahil maraming gustong makapanood pa sa “JaDine Love” ay naglabas ulit ng SRO (standing room only) tickets ang Araneta Coliseum, biro nga ng publicity director ng Dreamscape Entertainment na si Eric John Salut, “Katabing-katabi na nila ang JaDine, nasa stage na sila.”

Ayaw pang i-reveal kung ano ang mga gagawin ng JaDine sa show, pero sigurado raw na mai-inlove lalo sa kanila ang OTWOListas. Pero inamin nina James at Nadine na sobra silang kabado ngayon palang dahil sa upcoming concert nila dahil napakalaki raw ng venue nito at halos buong Pilipinas ay mapapanood dahil may pay per view pa ito.

Tinanong ang JaDine kung ano ang nararamdaman nila ngayon na halos lahat ng magdyo ay gustong maging sina Clark at Lea, ang mga karakter nila sa seryeng On The Wings Of Love. “I guess they looked at us as role models, I’m proud that people looked up to us.

It’s surreal, a dream, never imagined that this could be happen on this level. Soldout concert in Araneta is unbelievable,” sagot ni James. Nabalita rin na pagkatapos ng Araneta concert ay diretso sila ng world tour concert simula sa March 18, sa Doha, Qatar; March 19 sa Dubai; March 26, London; at March 27 sa Milan, Italy kung saan makakasama nila sina Jay-R at Yeng Constantino.

At dahil sa napakagandang chemistry ng JaDine ay muli silang tinanong kung ano na ang real score sa kanila, “Close friend pa rin po,” say ni Clark na inayunan naman ni Lea.

Pero maraming hindi naniniwalang close friends lang ang dalawa, may mga nakakita kasi sa kanila noong Araw ng mga Puso na magkasama sa Rockwell mall. Hindi naman ito itinanggi ni James, “To be honest, there was a dinner plan, but the restaurants were closed so, we just bought computer games.”

Inayunan din ito ng ilang fans na nasa likuran namin kahapon at dalawang bala nga lang daw ng computer games ang nabili ng dalaga. As of now ay ine-enjoy daw nina James at Nadine ang kanilang loveteam at trabaho lang daw talaga muna ang lahat, pero aminado silang they care for each other.

Pero base sa body language ng dalawa, mas naniniwala kaming may something na talaga sa pagitan ng dalawang bagets.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending