LA PAZ, Iloilo — Nagsalita na rin ang veteran actress na si Susan Roces hinggil sa di matigil na balita na anak ng kapatid niyang si Rosemarie Sonora ang anak niyang si presidential frontrunner Senator Grace Poe.
“Ay naku, alam mo kaya ganito ang attitude namin d’yan kahit anong paliwanag nakaraan na ang maraming taon, lumaki na si Grace; she’s past 40,” pahayag ni Roces nang tanungin kung ano ba ang nararamdaman niya tuwing inuudyok si Grace at si Senador Bongbong Marcos na sabay magpa-DNA test.
Sinasabing si Poe, na inabandona sa isang simbahan sa Iloilo nang siya ay sanggol pa lang, ay nababalitang illegitimate child ni Sonora sa dating pangulo na si Ferdinand Marcos.
Dahil dito ay laging biro na sa Senado na sina Grace at Bongbong ay makapatid na, hanggang sa lumantad ang pinsan ni Grace at anak ni Sonora na si Sheryl Cruz at sinabing hindi siya natutuwa rito.
“’Yung sinasabi nilang anak s’ya ng kapatid ko, bakit ko ipagkakaila kung totoo?” Roces said.
“Kasama ko ang kapatid ko, araw at gabi ng mga panahaon na ‘yun. Hindi ko s’ya nakitang nagdadalantao, that was 1968, the year I got married and later she herself got married.”
“During that time, Rosemarie, my sister was very busy doing television and she was very visible. Never, never s’yang naging pregnant,” dagdag pa nito.