F2 Logistics aagaw pansin sa PSL Invitational | Bandera

F2 Logistics aagaw pansin sa PSL Invitational

Angelito Oredo - February 16, 2016 - 01:00 AM

AAGAW pansin ang baguhang koponan na F2 Logistics sa pagpapakita ng tibay at tatag kontra sa beterano na mga koponan sa pagsisimula nito ng kampanya sa pagsabak sa 2016 Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference ngayong Huwebes sa The Arena sa San Juan City.

Inihayag mismo ni F2 Logistics Philippines, Inc. president Efren Uy na ang kikilalanin na mga Cargo Movers ay hindi papatalo at magiging kompetitibo sa paghugot nito ng mga mahuhusay na manlalaro na kayang lumaban ng sabayan sa ibang heavyweight teams tulad ng Foton, Petron, RC Cola-Army, Cignal at San Jose Builders.

Magsisilbing pundasyon ng Cargo Movers ang mga dating De La Salle University star na sina Cha Cruz, Paneng Mercado at Chie Saet kasama sina Danika Gendrauli, Lilet Mabbayad, Pau Soriano at libero Len Cortel na siyang bubuo sa hangad na eksplosibo na pagsisimula ng koponan sa prestihiyosong inter-club na torneo.

“We want to be very competitive while having fun at the same time,” sabi ni Uy, matapos ihayag na ang mga dating Southeast Asian Games gold medalists Rose Marie Prochina at Nene Ybanez-Chavez ang magsisilbing coaches at si Hollie Reyes ang magiging team manager ng pinakabagong ballclub.

“The PSL is a very tough league. All of the country’s best players are here. Since we are a new team, we are tempering our expectations. We just want to play competitive volleyball knowing that victories will soon follow. We just have to enjoy the moment and take it one game at a time.”

Sinabi ng miyembro ng  koponan na huling nagwagi ng gintong medalya sa women’s volleyball noong 1993 SEA Games sa Singapore na si Prochina na nasa “fighting form” na ang kanyang mga manlalaro bagaman patuloy na pinupuno ang fluidity at chemistry sa loob at labas ng playing court.

Isa na rito ang tulong ng 27-anyos na si Cruz, na siyang namumuno sa koponan sa pagtuturo ng mga nalasap nito na tradisyon sa pagiging kampeon habang naglalaro sa La Salle kung saan nagawa nitong iuwi ang pares ng titulo sa UAAP noong 2011 at 2012 at maging Most Valuable Player sa finals ng dalawang nasabing taon.

“Cha is playing like a true leader,” sabi ni Prochina patungkol kay Cruz, na nagsisilbi rin bilang brand ambassador ng PSL. “We’re still in the process of developing our chemistry and fluidity, but Cha is making the transition very smooth. She is our leader inside and outside the court.”

Aminado si Prochina na hindi magiging madali para sa Cargo Movers ang mag-ipon ng mga panalo lalo pa ngayon na nagpalakas ang ibang koponan tulad ng RC Cola-Army, Petron at Foton.

Ibabalik ng Lady Troopers sina Rachel Anne Daquis mula sa Petron habang ang Tri-Active Spikers ay nakuha ang serbisyo nina Aiza Maizo-Pontillas, Bang Pineda at rookies na sina CJ Rosario at Angel Legacion.

Ang Toplanders ay makakasama ang mga dating University of Santo Tomas star na sina Angeli Tabaquero, Rhea Dimaculangan at Maika Ortiz.

“All teams are strong, but Army remains the strongest,” sabi ni Prochina. “It’s quite hard, but we will do our best to make an instant impact.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sisimulan ng Cargo Movers ang kanilang unang taon sa liga kontra sa kapwa baguhan na San Jose Builders sa ikalawang laro ng inaasahang blockbuster na double-header sa Huwebes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending