MULING ibinandera ng Kapuso TV host-actress na si Heart Evangelista ang kanyang pagmamahal kay Sen. Chiz Escudero as they celebrated their first wedding anniversary yesterday.
Sa kanyang Instagram account idinaan ni Heart ang kanyang mensahe para iparamdam kay Chiz ang kanyang pagmamahal. Isang litrato nila ng senador na kuha sa kasal nila last year ang kanyang ipinost sa IG at nilagyan ng caption na: “You are the light of my life, my mentor, my inspiration, the only one who made me feel so much love. I am who I am today all because of you.
“I can’t thank God enough for giving you to me. I am blessed with having you in my life. Thank you, babe, for loving me, for teaching me to spread my wings. To many more beautiful years together, my darling. Cheers to today and forever. Happy anniversary.
“God bless you. You make me feel brand new,” ang mahaba pang mensahe ni Heart para sa kanyang mister. Nitong weekend ay nauna nang nag-celebrate si Heart at Chiz ng Valentine’s Day, birthday ni Heart at ng kanilang wedding anniversary sa Sorsogon kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.
Hindi nga raw napigilan ni Heart ang maluha dahil sa warm welcome at surprise ng mga taga-Sorsogon sa kanya, lalo nang pumasyal sya sa Bulusan Lake na isa sa mga paborito nyang puntahan sa tuwing uuwi sya sa Sorsogon.
Samantala, balik kampanya naman si Chiz at todo paglilibot sa bansa kasama ang kanyang presidential running mate na si Sen. Grace Poe. Si Heart naman ay malapit na ring magsimula sa pangangampanya at ayon sa kanya, ay sya ang pupunta sa mga lugar na hindi mapupuntahan ng kanyang asawa.