Jackpot sa Super Lotto aabot na sa P120M

lotto for site
Inaasahang aabot P120 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola mamayang gabi (Martes).
Ito ay matapos na hindi makuha ang P111.6 milyong jackpot prize sa bola noong Linggo. Lumabas dito ang winning number combination na 38- 31- 49- 2- 8- 10.
Nanalo naman ng tig-P70,000 ang 23 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P790 naman ang napanalunan ng 1,767 mananaya na nakaapat na numero. Balik ang P20 taya ng 35,210 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kombinasyon.

Read more...