Grace nagsenti sa lumang simbahan ng Ilocos na laging pinupuntahan ni FPJ | Bandera

Grace nagsenti sa lumang simbahan ng Ilocos na laging pinupuntahan ni FPJ

Ervin Santiago - February 15, 2016 - 02:00 AM

grace poe

Senti si Sen. Grace Poe nang bumisita sa Ilocos Norte kamakailan dahil naalala niya ang adventures nila ng yumaong amang si Da King Fernando Poe, Jr. sa nasabing probinsya.

Panay daw ang hawak ni Grace sa dingding ng lumang simbahan ng Paoay sa Ilocos Norte nang bumisita siya sa paboritong shooting location ng kanyang ama, ayon sa ilang mamamahayag na nakasama sa pagbisita niya roon.

“Baka nahawakan ito ng tatay ko dati,” sey ni Grace nang tanungin kung bakit panay ang haplos niya sa dingding ng sinaunang simbahan. Kahit mahigit 11 taon na mula nang pumanaw si Da King, nangungulila pa rin ang senadora lalo pa’t naaalala niya ang mga panahong kasama niya ang ama sa pagdalaw sa probinsya kung saan ginawa ang pelikulang “Ang Panday.”

“Ang pakay ng pagpunta ko rito ay para ipakilala muli ang aking sarili sa ating mga kababayan dito sa Ilocos. Ang tatay ko ay palaging nandito noon. Nagpupunta din ako talaga dito madalas. Maganda ring balikan ang mga lugar na pinuntahan namin,” sabi ng senadora.

Sey pa ni Grace, inuuwian daw siya ng bagnet at kung anu-ano pang produkto ng Ilocos ng ama tuwing manggagaling ito sa shooting sa probinsya. “Alam niyo dati ang paborito ng tatay ring kainin ay yung diningding, tapos yung mga malalaking chicharon.

Tapos kapag uuwi sa Maynila, magdadala iyon ng kumot na habing Ilokos. So parang laking Ilocano na rin ako,” pagmamalaki ni Grace na siyang nangungunang kandidato sa pagka-pangulo ayon sa mga survey.

Binisita pa ni Grace ang itinayong estatwa ni FPJ sa pamosong sand dunes ng Paoay kung saan kinunan ang mga maaaksyong eksena ng “Ang Panday.” Nag-sample rin ang senadora ng mga salitang Ilocano kagaya ng “danum” na siyang sinasabi daw ni FPJ pag humihingi ito ng tubig sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending