Kilalang aktor nuknukan ng arte, nakatikim ng galit ni Direk

blind item

MAY bitbit na talento ang isang medyo nagkakaedad nang aktor. Epektibo ang kanyang pag-arte. Pero hindi maganda ang kanyang disiplina, nahikayat siyang magbisyo, kaya nagkawindang-windang ang kanyang trabaho.

May mga pagkakataong nagagawa na niyang bastusuin ang kanyang mga katrabaho, isang aktres na ang sumumpa na kahit kailan ay hindi na ito gagawa ng kahit anong proyektong kasama ang aktor, pinaliit ng ma-galing pa namang aktor ang kanyang mundo.

Kuwento ng isang source, “Masyadong mainitin ang ulo niya, konting bagay lang, sa-pat na para magwala siya sa sobrang galit. Saka hindi siya marespeto sa maliliit niyang katrabaho, lalo na sa mga utility, grabe siyang magmura!

“Wala namang magawa ang PA niya, kahit ang anak niya na sumasama-sama sa kanya. Hindi sila makakibo kapag nagwawala na si ____ (pangalan ng nagkakaedad nang aktor), sila kasi ang napagbabalingan,” napapailing na kuwento ng aming source.

Hanggang may makukuha pang iba ay hindi muna siya kasama sa casting, pero kapag gahol na ang produksiyon, sinusuwerte na rin siyang makuha. “Ilag na sa kanya ang mga produksiyon dahil nga sa mga kuwentong nakararating sa kanila.

Pero kapag talagang wala na silang makuhang iba, napupunta na rin sa kanya ang role, magaling naman kasi siya, in fairness. “Mahirap kasi siyang kausap. Kapag sinabi niya na sa ganitong oras, e, pack-up na siya, wala nang makapipigil sa kanyang umalis. Nu’ng minsan nga, e, nagalit din sa kanya ang isang director.

“Isang maigsing sequence na lang ba naman, e, ayaw pa niyang tapusin. Pack-up na raw siya, aalis na siya, kaya sa galit ng direktor, e, kinompronta siya! “Bradly Guevarra, ginawa niya naman ang maliit na sequence, pero sorry na lang siya, after two weeks, pinatay na siya sa kuwento.

Kaya ikaw diyan, umayos ka! Marami kang kalaban sa pagkokontrabida! Umayos ka diyan!” pagtatapos ng aming impormante.

 

Read more...