Ikalawang operasyon ni Angel sa Singapore tagumpay

luis manzano

TAGUMPAY ang isinagawang operasyon kay Angel Locsin sa Singapore nitong nagdaang weekend.
Sumailalim sa ikalawang lumbar procedure nitong nakaraang Sabado sa Mount Elizabeth Hospital sa Singapore.

Mismong ang mga kasama ng Kapamilya actress sa Singapore ang nagkumpirma ng good news sa kani-kanilang Instagram accounts at nagpasalamat sa lahat ng fans na patuloy na sumusuporta kay Angel.

Kasabay nito, nakiusap din ang mga kapamilya at kaibigan ng aktres na ipagpa-tuloy ang pagdarasal para sa agarang paggaling ng dalaga. Naganap ang operasyon ng aktres sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya tungkol sa rumored break-up nila ng karelasyong si Luis Manzano.

Kung matatandaan, bago ang operasyon ni Angel ay nakapag-post pa ito sa kanyang Instagram account ng isang video ni Luis na may caption na: “On the eve of my neck procedure, I saw my ex singing ‘love yourself’ sa IG.

Kung nagmahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this. #mabuhayangta-ngasapagibig.”
That was Angel’s now controversial caption sa Instagram video ni Luis who was singing Justin Bieber’s “Love Yourself.”

Read more...