PACMAN mas lalong kinawawa sa pagkapanalo ni DONAIRE

manny pacquiaoKung nakipaghalikan sa lona si Congressman Manny Pacquiao nu’ng nakaraang linggo sa kanilang salpukan ni Juan Manuel Marquez ay pinatumba naman ni Nonito Donaire ang kanyang kalaban nu’ng Linggo nang hapon.

Dahil du’n ay nahahati tuloy ang opinyon ng ating mga kababayan, may mga nag-aangat nang husto sa pangalan ni Donaire, habang inilalaglag naman ang posisyon ng Pambansang Kamao.

Nakakalungkot lang na hindi na yata naaalala ng iba nating mga kababayan ang magagandang pangyayaring ibinigay ni Pacman bilang karangalan para sa ating bayan.

Hindi kagandahan ang pangalan ng Pilipinas noon sa mapa ng mundo dahil sa sunod-sunod na corruption at krimen na nagaganap sa ating bayan, pero dahil kay Manny Pacquiao, kahit paano’y may sumasalising magandang imahe tungkol sa bayan ni Juan.

Huwag naman sana nating paigsiin ang ating mga memorya, isang pagkatalo lang ang nangyari kay Pacman na hindi makabubura sa mga nakaraang karangalang ihinandog niya sa ating bayan, naganap ang lahat ng ‘yun sa isang panahong gutom na gutom ang Pilipinas sa mga papuri at pagtatangi.Ipinagkakapuri natin ang tagumpay ni Donaire, pero ikambal pa rin natin du’n ang mga nakaraang karangalang naibigay sa atin ni Pacman, hindi ‘yun mabubura sa isang iglap lang.

Ngayon ang panahon para mas ipakita natin kay Manny Pacquiao ang kanyang kahalagahan.

Kailangan niyang maramdaman na hindi lang sa tagumpay natin siya kasama kundi pati sa mga panahong nangarap at nagsikap siya pero nabigo.

Maligayang kaarawan kahapon sa Pambansang Kamao!

Read more...