Mel Tiangco pinipilit sumabak sa Politika: ayoko talaga!

By Ervin Santiago February 14,2016
share this

Mel Tiangco pinipilit sumabak sa Politika: ayoko talaga!

By Ervin Santiago February 14,2016
share this

mel tiangco

ILANG beses nang tinanggihan ng GMA news anchor at TV host na si Mel Tiangco ang offer ng ilang political groups na sumabak sa politika.

Ito ang inamin ng award-winning broadcast journalist sa panayam ng ilang miyembro ng entertainment media sa press launch ng charity album ng GMA Records na “One Heart”. Sa GMA Kapuso Foundation na pinamamahalaan ni Mel mapupunta ang kikitain ng nasabing all-star charity album.

In fairness naman kasi kay Mel Tiangco, talagang bahagi na ng buhay niya bilang journalist ang pagtulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan lalo na sa panahon ng sakuna at trahedya.

Talagang kinakarir niya ang pagiging executive vice president at chief operations officer ng GMA Kapuso Foundation. Sey pa ng GMA news anchor marami nang lumapit at nanligaw sa kanya para tumakbo sa ilang posisyon sa gobyerno, “Ang isinasagot ko, ang aking public service ay nagagawa ko naman nang hindi kailangan akong pumasok sa pulitika.

“In fact, ang tingin ko e, mas madali pa akong nakapaglilingkod sa mga kababayan natin in my way. Kasi madali, walang mga red tape, sugod agad. “Pag may problema, sugod dito, sugod doon.

Although, of course, I respect those who enter politics and who feel that that is their venue para makatulong sa kapwa. I’m complete where I am as far as my duties, responsibilities, to my people are concerned.

“Nagagampanan ko naman, nakakatulong naman ako. Ang fulfillment ko, e, overwhelming, bakit ko pa guguluhin yung buhay ko, e, maayos naman. Naisasakatuparan ko naman yung mga gusto kong gawin sa buhay in this manner.

“Mabuti pa nga yun malayo ako sa temptasyon, malayo ka sa gulo, malayo ka sa intriga pero nakakatulong ka rin at the same time,” paliwanag pa ni Mel. Samantala, tuwang-tuwa ang magaling na broadcast journalist sa bagong proyekto ng GMA Records, ito ngang very inspiring at makabuluhang charity album kung saan nagsama-sama ang mga recording artists ng Kapuso network para sa iisang layunin – ang makapagbigay ligay at inspirasyon sa ating mga kababayan at ang makatulong sa kanilang kapwa.

Ngayong araw available na ang “One Heart” album sa inyong favorite record bars and in digital format on iTunes. Some of the featured artists in the album are Yasmien Kurdi, Julian Trono, Rita Daniela, James Wright, Maricris Garcia, Hannah Precillas, Betong Sumaya, Nar Cabico, Lindsay de Vera, Ralf King, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Kylie Padilla, Kristoffer Martin at Denise Barbacena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending