Grace nakaka-relate sa masalimuot na buhay ni Flavio sa Ang Panday

grace poe

Nagpasalamat si Sen. Grace Poe sa muling pagbuhay ng TV5 sa Ang Panday na unang ginampanan ng kaniyang namayapang amang si Da King Fernando Poe, Jr.

Si Grace pa mismo ang nag-promote ng nasabing teleserye na pagbibidahan ni Richard Gutierrez sa Kapatid network. “Ay, nga pala po. Sa lahat po ng mga nakikinig na mga taxi driver natin.

Mayroong teleserye din ang TV5 na Panday,” sabi ni Grace sa isang panayam sa radyo. Paborito ni Grace ang Panday sa mga pelikulang nagawa ng kaniyang ama dahil sa pagkakapareho ng buhay nila ng main character na si Flavio.

Isa ring “foundling” o “pulot” si Flavio kagaya ni Grace, ayon kay Komiks King Carlo J. Caparas, na siyang lumikha ng karakter na pinasikat ni Da King. “It’s mere coincidence that it was Grace’s dad FPJ who helped immortalize Panday which he portrayed in four movies that were Metro Filmfest top grosser,” sey ni direk Carlo na siyang magsisilbing creative consultant sa TV series na ipo-produce ng Viva Films.

“Marami akong paboritong pelikula ni FPJ pero siguro ang tumatak na rin sa isip ng marami sa akin din, yung Panday. Kasi talagang noong ginawa niya yon, kakaiba yun ng mga panahon na iyon at kahit ngayon lalo na yung fully restored na Panday,” sey ni Grace.

Maliban sa “Ang Panday,” paborito rin ni Grace ang “Isang Bala Ka Lang,” “Kapag Puno na ang Salop,” at “Muslim .357″.—EAS

Read more...