Babae kinadena sa bahay sa loob ng 7 taon

pangasinan

NAILIGTAS ng mga pulis ang 33-anyos na babaeng may problema sa pag-iisip matapos siyang ikadena sa kaniyang bahay sa Barangay Umanday, Bugallon, Pangasinan sa loob ng pitong taon.

Nakakadena ang kaliwang kamay ng babae nang matagpuan siya ng mga pulis mula sa Women and Children’s Protection Desk ganap na alas-11 ng umaga.
Sinabi ni Chief Insp. Joseph Imperial, Bugallon chief of police, na ikinadena ang babae ng kanyang pamilya.
Idinagdag ni Imperial na dinala ang biktima saBugallon Community Hospital para magamot ang naimpeksyon na mga sugat na dulot ng nangangalawang na kadena.

Read more...