Lauro Vizconde nasa ICU matapos ang ika-4 na cardiac arrest— VACC

visconde
INATAKE sa puso ang founding president ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Lauro Vizconde kaninang umaga, ayon sa isang opisyal ng VACC.

“Ka Lauro Vizconde, chairman emeritus (of) VACC, suffered (his) fourth cardiac arrest this morning and (is) now in ICU at Unihealth-Parañaque City,” sabi ni VACC chairman Dante Jimenez.
Idinagdag ni Jimenez na nagsasagawa na ng vigil ang mga kamag-anak at mga miyembro ng VACC.

Sinabi ni Jimenez na sinabihan na sila ng kapatid ni Vizcode na si Letty na naghihintay na lamang ang pamilya para tanggalin ng doktor ang kanyang life support machine.

“We will miss him,” dagdag Jimenez.

Si Vizconde ang nagtayo ng VACC matapos namang ang pagmasaker sa kanila sa kanilang bahay.

Read more...