Bida sa sex video, taga-ABS-CBN pinaaaresto ng korte

CEBU CITY— Pinaaresto ng isang huwes dito ang aktres na si Neri Naig at isang empleyado ng ABS-CBN kaugnay sa kasong libel.

Noon pang Enero 13 ipinalabas ni Judge Ricky Jones Macabaya Cebu City Regional Trial Court Branch 5 ang warrant of arrest kina Naig at Star Magic road manager Danilyn Nunga subalit hanggang kahapon ay hindi pa naglalagak ng P10,000 piyansa ang dalawa.

Kinasuhan sina Naig at Nunga noong isang taon makaraan nilang ilabas sa Instagram ang larawan nina Clarence Taguiam at Donna Marie Go na kanilang inakusahan na mga pekeng nagbebenta ng kamera.

Sa kanyang post noong Abril 30, sinabi ni Nunga na nakapagbayad na siya ng P7,500 kina Taguiam at Go subalit hindi niya nakuha ang biniling GoPro Hero3 Action camera.

Ni-repost naman ni Naig, Parokya ni Edgar rock band vocalist Chito Miranda, ang post.

Kapwa itinanggi nina Taguiam at Go na nagbenta sila ng kamera kay Nunga.

Read more...