Sulat mula kay Lala Sto. Tomas, Tibalog, Davao del Norte
Problema:
Dear Sir Greenfield,
1. Matagal po akong nagtrabaho sa club at dahil sa trabaho kong ito nagkakahiya mang aminin nagkaroon ako ng tatlong mga anak sa ibat-ibang lalaki, kaya sana huwag nyong babanggitin ang tunay kong pangalan at address. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung makapag-aabroad po ba ako upang hindi na ako umasa pa ng umasa pa sa mga ama ng mga anak ko.
2. Nagpapadala naman sila pero hindi regular. At sa ganitong kalagayan ko bilang isang dalagang ina, dahil hindi naman ako na inuuwian ng mga ama ng anak ko, makakatagpo pa kaya ako ng isang matinong lalaki na magmamahal sa akin habang buhay? December 13, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Lala ng Davao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini na mayaman ang makikilala mo sa ibayong dagat. Kung saan, ang lalaking Gemini na ito ang nakatakda mong makakasama habang buhay.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing bigla ang magaganap sa iyong kapalaran, kung saan, sa taong ito ng 2016 sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto tiyak ang magaganap – may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Graphology:
Kahit na may anak ka sa ibat-ibang lalaki, tunay ngang magkakaroon ka pa rin ng isang panatag at masayang pagpapamilya. Ito ang nais sabihin ng maayos at maganda mong lagda na hindi nababoy o naburara. Ibig sabihin, habang nagkakaedad ka sa gulang na 28 pataas, magbabago ang iyong kapalaran patungo sa isang maunlad at maligayang karanasan.
Huling payo at paalala:
Lala ayon sa iyong kapalaran sa taong ito tulad ng nasabi na, magbabago ang iyong kapalaran pagsapit na pagsapit ng buwan ng Mayo mararamdaman mo ng kusa kang sinusuwerte habang pagsapit naman ng buwan ng Hulyo o kaya’y Agosto sa taon ding ito ng 2016 may pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan at sa nasabing pangingibang bansa, doon mo na rin makikilala ang isang lalaking nagtataglay ng initial na J.R. na nakatakda mong makasama sa pagbuo ng isang masaya, maunlad, masagana at pang habang buhay ng pamilya.