Ciara kinasuhan ang asawa, reresbak sa kabit

JOJO OCONER AT CIARA SOTTO

JOJO OCONER AT CIARA SOTTO

Ciara Sotto seems bent on yakking on her social media account about her husband’s kabit.

Although she did not name her husband’s inamorata, halatang gigil na gigil siya when she posted, “God will not bless you with someone else’s husband”. Muntik na nga raw niyang i-tag sa kabit ng dyowa niya ang one-liner na ‘yon.

She also dropped hints na nasa korte na ang usapin nilang mag-asawa with her “hinihintay kasi nila ang subpoena” line.

Netizens seem irritated over Ciara’s seemingly endless rants on her husband’s other woman. One said: “masakit maloko pero grabe pati naman yan dapat online pa nilang pagusapan? Alam ko account niya yan pero gusto niya ba talaga na laging pinaguusapan yung failed marriage niya? She needs a hobby kasi medyo papansin na siya on social media.”

“Kung talagang ikaw ang naapi pangalanan mo na. Hell hath no fury mga diba? Madami ka naman back-up. Kesa sa Social Media ka lang patutsada hindi makokonsensya yan.

“Hindi kawalan ng breeding ang paglaban sa karapatan mo bilang legal wife. May mga sure ng botante ang tatay mo kaya wag kang matakot ma baka maapektuhan ang candidacy niya.”

“I pity her sa nangyari sa kanya, pero yung ulit ulitin mong iparinig, girl, nagmumukha kang palengkera instead na ikaw kaawaan. Just tell that to your friends, not in public. Nagmumukhang victim tuloy yung esKABETche kesa sayo.”

Ilan lang ‘yan sa mga mensahe against her. There are those who defended her like this fan who said, “Public shame and humiliation ang dapat sa asawa at kabit. Kaya nga namimihasa yang mga yan dahil kung may sabihin man ang pobrecitang asawa, siya pa masama.

“If us as a society condemns the wife for being vocal, then any cheating husband and his mistress can go about doing what they want without fear, without any fear of public condemnation. Buti yan Ciara, idemanda mo sila! May subpoena na mga kapatid. Mukhang me ebidensya. Popcorn please!”

“Tingin ko restrained pa nga si Ciara. Kung ako siya, hindi lang pangalan ang ipopost ko, pati pictures.

At sa mga nagsasabi na dapat manahimik na lang siya, hindi ninyo ba naisip na kaya namimihasa ang mga nangangaliwang asawa at mga kabit ay dahil alam nila na kahit anong kalokohan ang gawin nila, kapag nagsalita na ang wife e siya pa ang masama?” said another Ciara fan.

We think Ciara’s “God will not bless you with someone else’s husband” aria is not true. Maraming kabit, including celebrities, ang nagtatamasa ng kayamanan mula sa kanilang karelasyong may asawa na. Do we need to name names?

Read more...