Anne, Maja, Ellen, Bea tuhog lahat ni Derek ngayong 2016

DEREK RAMSAY

DEREK RAMSAY

TAWA nang tawa si Derek Ramsay nang makatsikahan namin pagkatapos ng advanced screening ng “Love Is Blind” dahil nakakatawa naman talaga ang kabuuan ng pelikula.

Kaya naman pala sa nakaraang presscon ng “Love Is Blind” ay puro halikan at lasa ng laway ang usapan dahil napakarami pala talagang kissing scene nina Derek at Kiray Celis.

Kaya tinanong namin si Derek kung posibleng magkagusto siya sa tulad ni Kiray sa totoong buhay, “I won’t lie to your looks, mas madali kang ma-in love sa isang taong attracted ka at lalapitan mo ang taong ‘yun, so there is a bigger possibility na magkakilala kayo kasi lalapitan mo ‘yung taong iyon.

“Pero kung i-introduce talaga ako sa isang tao na hindi talaga ako physically attracted with pero nakilala ko siya kung sino siya, may possibility na magkagusto ako.

“Actually, that happened to me before, I like somebody whom I was not physically attracted, hindi siya ‘yung tipo ng babaeng magugustuhan ko physically, pero nagustuhan ko ‘yung other side, her personality, her hobbies, her interests, doon kami nag-click and I’m attracted to her in a different way, it’s not just physical,” sey ng aktor.

‘Yun nga lang, hindi sila nagtagal dahil hindi nag-work ang relasyon nila.

Samantala, bukod sa “Love Is Blind” ay may gagawing apat na pelikula si Derek. Mauunang gawin ng aktor ang pagsasamahan nila ni Maja Salvador under Quantum Films dahil ipalalabas na ito bago mag-eleksyon.

“Rom-com ulit, just before the elections yata ito ipalalabas, it’s all about politician’s wife, tapos sa Viva Films naman si Anne Curtis ang makakasama ko and then sa Regal (ulit), si Ellen Adarna, and Star Cinema with Bea Alonzo naman kaya sobrang busy ako this year,” nakangiting sabi ng aktor.

May reality show din na gagawin ang aktor at isang soap, pero hindi na nagkuwento si Derek tungkol sa serye. Uunahin daw kasi muna niya ang reality show, “You call it Tough And Rough, reality show siya, similar to Amazing Race pero competition talaga siya in the sense na mga atleta talaga ang malalaban-laban dito and the only qualifiers sa buong mundo for the world championship and America this, obstacle course racing. And it will be shot all over the Philippines,” kuwento ng aktor.
Kinumusta rin namin ang lovelife ng aktor dahil parang nanahimik siya about it, “Mas gusto ko talagang tahimik, less pressure, at non-showbiz tahimik ‘yun ang gusto ko talaga at mamaya na mag-ingay kapag happy ending na,” tumawang sagot ng aktor.
Sa tanong kung may plano na silang magpakasal, “I don’t get into relationship without thinking of that (kasal), eh, hindi ko naman gustong wala, pero right now, we have the time to think about that, she has her daughter, I have my son (Austin), she’s starting her career and a lot of responsibilities to my network so, we’re enjoying our time with each other, tingnan natin,” say ng aktor.

Read more...